^

PM Sports

Matapos ang kanselasyon noong Lunes Magagandang karera nakatakda sa Linggo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Babawi ang Metro Turf Club sa kanselasyon ng mga karera noong Lu­nes sa inaasahang magandang tagisan ng mga two year-old-horse sa Linggo.

Ang race track sa Mal­var, Batangas ang si­yang pagdarausan ng 2nd leg ng Philracom Juvenile Colts and Fillies Stakes race na gagawin sa 1,200-metro distansya.

May kabuuang 11 ka­bayo ang kasali sa dalawang stakes races na ito na itinaguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom) at sinahugan ng tig-P500,000.00 kabu­uang gantimpala at ang ma­nanalo ay mag-uuwi ng P300,000.00 premyo.

Apat rito ang magsu­sukatan sa colts.

Ang mga kabayong mag-aagawan sa premyo ay ang Ma­­tang Tubig, Young Turk, Muchos Gra­cias at Ri­­­ver Mist.

Ang unang dalawang ka­bayo ang naglaban sa 1st leg at ang Matang Tubig ang kumuha ng panalo sa karerang inilagay sa 1,000-metro distansya.

Mas mahaba ng 200-metro ang magaganap na tagisan at magi­ging krusyal ito lalo pa’t na­huli lamang ang remate ng Young Turk na pag-a­ari ni Tarlac Representative Jeci Lapus.

Parehong mga bagong salta ang Muchos Gracias at River Mist pero tiyak na inihahanda ito nang husto ng kanilang connections pa­ra makuha ang panalo at maihanay ang sarili bilang pinakamahusay na colts sa taon.

Ang Marinx na pag-aari ni Mayor Leonardo 'Sandy' Javier, Jr. ang mag­tatangka na makada­la­wang sunod na tagum­pay sa hanay ng mga fillies.

Pero hindi rin magi­ging madali ang bagay na ito dahil sa mga determinadong katunggali na bi­nu­buo ng mga kabayong Donttouchthewine, Kukurukuku Paloma, Mona’s Art, Move On, Priceless Joy at Up And Away.

Ang kabayong Kuku­rukuku P­aloma ay sariwa sa pagkapanalo sa isang 2YO Maiden race kama­kailan para maipakita na kondisyon na ito.

Ang Mana’s Art, Move On and Up And Away ay nasalang naman sa PCSO Maiden  Race no­ong Hulyo 20.

Talunan ang tatlo ng Young Turk sa PCSO race pero mapapabor sa kanila ang pagkakaroon ng kara­nasan sa pista na kung sa­an tatakbo sa unang pag­ka­kataon ang Marinx.

Ang papangalawa sa da­lawang stakes races na ay magkakamit ng P112,500.00, habang prem­yong P62,500.00 at P50,000.00 ang mapapa­sa­kamay ng papangatlo at papang-apat sa datingan.

vuukle comment

ANG MANA

ANG MARINX

KUKURUKUKU PALOMA

MATANG TUBIG

MAYOR LEONARDO

METRO TURF CLUB

SHY

YOUNG TURK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with