^

PM Sports

PBA season Stats races Abueva nangunguna

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang kumperensiya, na­ngu­nguna na si Calvin Abueva ng Alaska sa karera para sa Most Valuable Player award.

Matapos ang kabuuang 40-games,  umani na si Abueva ng season average na 21.4  statistical points (SPs) upang ungusan sa No. 1 spot ang dating leader na si Arwind Santos ng Petron.

Si Abueva na nagtala ng 31.0 SPs points sa Philippine Cup ay nakalikom naman ng 29.9 SPs sa nakaraang Commissioners’s Cup na pinagharian ng kanyang koponan.

Inaasahang makakatulong kay Abueva ang pagpapagamot ng kanyang tuhod sa China sa pamamagitan ng alternative medicine sa kanyang kampanya sa Governor’s Cup na nagbukas noong nakaraang Linggo tungo sa pagkopo ng pinakaprestihiyosong individual award.

Bumagsak sa ikalawang puwesto si Santos na nanguna sa unang conference sa kanyang 35.1 SPs ngunit lumikom lamang ng 23.2 SPs sa ikalawang kumperensiya para sa kabuuang 21.0 season SPs matapos ang 31 games.

Si Jason Castro ng Talk ‘N Text na Best Player of the Conference ng Philippine Cup ang nasa ikatlong puwesto makaraang makalikom ng 20.0 season SPs sa kanyang 31.1 SPs sa Philippine Cup at 25.2 SPs sa Commissioners Cup.

Nasa No. 4 at No. 5 spots sina Solomon Mercado ng Globalport at  Ranidel De Ocampo ng Talk ‘N Text.

Si Mercado ay may 19.4 season SPs (30.3 SPs sa Phil. Cup at 24.2 sa Comm. Cup) habang si De Ocampo ay may 19.1 season SPs (30.3 sa Phil. Cup at 23.4 sa Comm. Cup).

Kabilang sa top 10  ng statistical points standings ay sina Mark Caguioa  ng Ginebra (18.9 season SPs.), Joseph Casio  ng Alaska (18.8 SPs), ang Best Player of the Conference ng nakaraang Commissioner’s Cup na si LA Tenorio  ng Ginebra (18.2 SPs), Cyrus Baguio ng Alaska (10.1 SPs) at Mark Pingris ng  San Mig Coffee ( 17.694 SPs).

vuukle comment

ABUEVA

ARWIND SANTOS

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

CALVIN ABUEVA

CUP

N TEXT

PHILIPPINE CUP

SPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with