^

PM Sports

Naapektuhan ng right shoulder injury: Cuello natalo kay Zhong via decision

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang dislocated right shoulder injury ang nag­pa­hina kay Filipino challenger Denver Cuello na sinamantala ni world mi­nimumweight champion Xiong Zhao Zhong ng Chi­na para mapanatiling ha­wak ang kanyang koro­na noong Biyernes ng ga­bi sa World Trade Centre sa Dubai, United Arab Emi­­rates.

Tinalo ni Zhong si Cuel­lo via majority deci­sion upang patuloy na isu­ot ang kanyang World Bo­xing Council mini­mum­weight belt.

Tumanggap ang 30-anyos na si Zhong ng mga iskor na 113-113, 115-112 at 113-110 para bi­guin ang 26-anyos na si Cuello.

Napabagsak ni Cuello (33-5-6, 21 knockouts) si Zhong (21-4-1, 11 KOs) sa first round mula sa kanyang left straight hanggang makabangon ang Chi­nese titlist sa sumunod na mga rounds.

Ang right shoulder injury ng tubong Cabautan, Ilo­ilo ang siyang sinaman­tala ni Zhong.

“It was a very tough, very close fight,” wika ni Zhong sa naging laban ni­la ni Cuello, tatlong ta­on ang hinintay para sa pag­kakataong mapalaban sa isang world boxing crown.

Nagkaroon ng putok sa kanyang ulo si Cuello nang magkabanggaan ang kanilang mga ulo ni Zhong sa ninth round na nag­resulta sa one-point de­duction ng Chinese.

Sa kabila nito, nakuha pa rin ni Zhong ang pabor ng mga judges.

“I don’t know what hap­pened there. Denver clear­ly deserved to win, so we are really disappoin­ted,” ani Aljoe Jaro, ang manager ni Cuello. “Hopefully, we will get ano­ther chance.”

Nabigo si Cuello na dup­likahan ang pagi­ging ba­gong IBO super flyweight champion ni Edrin Da­pudong.

vuukle comment

ALJOE JARO

CUELLO

DENVER CUELLO

EDRIN DA

SHY

UNITED ARAB EMI

WORLD BO

WORLD TRADE CENTRE

ZHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with