^

PM Sports

NLEX, BIG Chill, Blackwater hindi magpapaawat

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisikapin ng NLEX, Big Chill at Blackwater Sports na mapanatili ang kanilang  winning run sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa San Juan Arena.

Triple-header ang masasaksihan sa liga at ang Super Chargers ang mauunang sasalang laban sa Boracay Rum sa ganap na ika-12 ng tanghali bago sumunod ang bakbakan ng Road Warriors at Fruitas Shakers dakong alas-2 at Elite laban sa Jose Rizal University dakong alas-4.

May 4-0 karta ang NLEX habang 3-0 naman ang Big Chill samantalang ang Blackwater ay may dalawang dikit na panalo matapos simulan ang kampanya sa kabiguan laban sa Super Chargers.

Patok ang tropa ni coach Robert Sison sa Waves na hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang apat na laro.

Kumpiyansa si Sison na magpapatuloy ang streak nila lalo pa’t nakukuha na ng kanyang mga kamador ang kanilang laro at ang istilong nais niyang ipairal.

Sa kabilang banda, mas maigting na depensa ang hanap ni NLEX coach Boyet Fernandez para maisatanbi ang malakas na hamon na kanyang inaasahan sa Fruitas na may ipinagmamalaking  si 6’7 Olaide Adeogun.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRUITAS SHAKERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

OLAIDE ADEOGUN

ROAD WARRIORS

SUPER CHARGERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with