^

PSN Opinyon

Stimulus, palimos, at lumobong utang

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nagpaplano ang mga gobyerno ng stimulus para sa kanya-kanyang ekonomiya. Malaki o maliit na bansa, dumapa­ ang mga negosyo sa COVID-19 pandemic. Para maka­ba­ngon dapat daw pautangin o limusan ang mga micro, small at medium enterprises, para balik-tiwala sa sistema.

Naalala ko ang kuwento ng isang munting bayan sa kung saan. Sa karaniwang araw walang dumadaan na sasakyan. Istambay ang mga tao. Baon sa utang ang bawat isa, at sa utang lang din nabubuhay.

Dumating ang isang turista sa motel, naghatag ng P5,000 sa front desk, at nagsabing pipili siya ng kuwarto para mag­palipas ng gabi.

Pagkaakyat na pagkaakyat niya para silipin ang mga silid­, dinampot ng may-ari ng motel ang P5,000 at tumakbo sa kabilang shop para bayaran ang utang sa matadero. Kinuha ng matadero ang pera at tumawid ng kalye para bayaran ang utang sa magbababoy. Takbo naman si magbababoy dala ang pera sa kooperatiba para magbayad ng utang na pataba. Karipas din ang manager ng co-op, dala ang pera para bayaran ang utang na “serbisyo” ng lokal na kalapating mababa ang lipad. At takbo rin ang babae sa motel at ilinapag sa front desk ang P5,000 na matagal nang utang sa may-ari.

Kataon namang bumaba ang turista at nagsabing wala siyang nagustuhang kuwarto sa motel, kaya binawi ang P5,000 at umalis.

Walang nalikhang produkto. Wala ni isang kumita. Pero lahat ng taga-baryo ay wala nang utang. At maliwanag ang ti­ngin nila sa kinabukasan. ‘Yan umano ang stimulus package.

May sariling pananaw si Willie Revillame: “Dapat inu­unang bigyan ng ayuda ‘yung mga nahinto ang hanapbuhay – hindi­ ‘yung wala naman talagang hanapbuhay. Pinasarap lang ninyo ang buhay ng mga tambay at tsismosa! Kaya nga sila pa­saway at laging labas habang lockdown ay para tumagal pa ang pasarap! Kawawa ang mga totoong kumakayod na nahinto. Tambak na mga bayarin ang nag-aantay sa kanila.”

vuukle comment

COVID-19 PANDEMIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with