^

True Confessions

Hiyasmin (306)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAGKAROON daw ng depression si Papa, sabi ni Tita Mary. Nawala sa sarili at kung saan-saan daw nagpupunta,’’ sabi ni Hiyasmin.

“Ganyan nga rin ang sinabi ng kaibigan kong Siony. Lumalabas ng bahay ang papa mo at nagtutungo sa park at iba pang lugar.”

“Pero ang isang nakakaiyak na sinabi sa akin ni Tita Mary ay ang pangalan mo ang lagi niyang sinasabi. Hindi ka niya kinalimutan, ‘Ma—kahit na dumanas ng depression at pagkawala sa sarili, ikaw pa rin ang naaaalala niya. Noon daw na hindi pa nagkakasakit si Papa at lagi silang nag-uusap sa phone ang lagi raw sinasabi ni Papa ay hanapin ka. Huwag daw titigil si Tita sa paghahanap sa iyo. Kaya talagang napatunayan ni Tita na mahal na mahal ka ni Papa.”

Hindi makapagsalita si Lira.

Maya-maya ay humikbi.

Hinayaan ni Hiyasmin na umiyak ang kanyang mama. Mas maganda na mailabas nito ang luha.

Matapos umiyak ay nagsalita si Lira.

“Siguro kung buhay ang papa mo at nakita ka niya Hiyasmin, lalo siyang masisiyahan—lalong liligaya.”

“Sana nga ay buhay siya, ‘Ma.”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with