Hiyasmin (305)
“ANO pa ang ikinuwento ni Maryam o ni Mary sa iyo, Hiyasmin? May binanggit ba siya na noon ay tinuturuan ko sila ni Rashid ng Tagalog?” tanong ni Lira kay Hiyasmin.
“Opo ‘Ma. Kaya nga raw po siya naging fluent sa pagsasalita ng Tagalog ay dahil sa pagtuturo mo. May binanggit pa siyang maliit na librong Tagalog na may abakada—binigay mo raw.”
“Natatandaan pa pala niya iyon ni Mary. Akala ko wala na siyang maaalala dahil maraming taon na ang nakalilipas.”
“Matalino si Tita Mary ‘Ma. Sharp ang mind niya. Nag-aral siya ng iba’t ibang languages sa Harvard at nagturo rin siya roon. At isa sa na-master niyang wika ay Filipino o Tagalog. At utang daw niya sa iyo ang lahat kaya naging mabilis ang pagkatuto niya ng ating wika.”
“Lagi ko silang tinuturuan ni Rashid. Si Rashid, mahirap matuto pero si Mary, parang may photographic memory siya.”
“At alam mo Ma, binanggit ni Tita Mary na balak pala noon ni Papa na sundan ka sa Pinas. Sinabi raw ni Papa ang plano—tatakasan niya ang mapanghimasok na mga magulang at sa Pinas na mamamalagi. Pero nalaman daw ng mga magulang ang plano. Mula nun, hinigpitan na si Papa.”
“Tama ang mga kinuwento sa akin ni Siony.”
“Mula raw nun parang nawala na sa sarili si Papa.”
(Itutuloy)
- Latest