^

True Confessions

Hiyasmin (303)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IKINUWENTO ni Hiyasmin kay Dax ang simula ng pagkikilala nila ni Mary Underwood habang idinaraos ang ad congress.

“Sa simula, damang-dama ko na ang pagkasabik kay Mary. Gusto ko na lagi siyang nakikita. ‘Di ba naikuwento ko sa’yo Love na nagkita kami sa loob ng comfort room. Nang malaman niyang Pinay ako, nagkaroon siya ng interes. Yun pala, nagkaroon sila ng maid na Pinay nung araw na nagtuturo raw sa kanila ng Tagalog. Nang sabihin niya ‘yun, bigla akong kinutuban.

“At alam mo tama ang kutob ko, sister siya ng papa ko. Nakumpirma nang ipakita ko ang photo ni Papa. Pareho kaming napaiyak.

“Napakaganda ng mga nangyari sa iyo riyan Love. Sana magkasama tayo.”

“Dadalaw sa Pinas si Tita Mary kasama ang pamilya.”

“Wow.”

Matapos mag-usap sina Hiyasmin at Dax, si Mama Lira naman ang tinawagan ni Hiyasmin.

Hindi rin makapaniwala si Lira.

“Nagkita kayo ni ­Maryam—sister ni Rashid?”

“Opo ‘Ma. Mary na ang name niya dahil na-convert na siya.”

“Ano pang sinabi niya, Hiyasmin.”

“May naiwang pamana sa atin si Papa, ‘Ma. Lahat nang pinagbilhan ng kanyang mga ari-arian ay iniwan sa atin.

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with