^

True Confessions

Hiyasmin (299)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Mary Underwood sa pagku­kuwento ng nangyari sa pamilya nito sa Kuwait. Nasunog ang kanilang bahay at kasamang natupok sina Rashid at kanyang ama at ina.

“Nang matanggap ko ang balita, halos panawan ako ng pag-asa. Sabi ko bakit nangyari ito sa amin. Pero sa dakong huli, natanggap ko na rin ang lahat­. Wala akong sinisi sa nangyari. May nagsabi kasi na sinadya ni Rashid ang pagsunog dahil sinumpong ng sakit—pero ang totoo, nag­mula sa may sinding sigarilyo ang lahat. Nagliyab ang kurtina sa room ni Rashid at kumalat ang apoy. Nasaktan ang loob ko dahil sa paratang sa kapatid ko na sinadya raw ang pagsunog dahil sa matinding galit sa aking mga magulang na nagmanipula sa kanya. Hindi magagawa ni Rashid na patayin ang aming mga magulang. Kilala ko ang aking kapatid—mabuti siyang tao.”

“Pero bago nangyari ang trahedya, matagal nang na­kagawa ng testament si Rashid kung kanino ibibigay ang lahat ng kanyang mana—kay LIRA ELCRUZ at sa magiging­ ANAK nila. At ikaw nga yun, Hiyasmin. Lahat ng ari-arian ni Rashid ay na-convert na sa dollar at nasa akin ang mga dokumento.”

“Ipagkakaloob ko sa inyo ng mama mo ang kayamanang pamana ng iyong ama. Yan ang gagawin ko sa pagtungo ko sa Manila.”

“Matutuwa po si Mama, Tita.”

“Sabik na akong makita siya, Hiyasmin.”

“Tiyak po na sabik na rin siya sa iyo, Tita.”

“Malapit nang mangyari yun, Hiyasmin.”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with