^

True Confessions

Hiyasmin (296)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDING-HINDI ko malilimutan ang iyong mama, Hiyasmin. Napakabait niya. Masipag at maasikaso habang nagliligkod sa amin. Kaya gustung-gusto ko na makita siya. Gusto kong maya­kap siya,’’ sabi pa ni Mary Underwood.

“Labis pong matutuwa si Mama kapag nalaman na nagkita tayo rito, Tita. Napakalaki at nakagugulat pong pangyayari ang pagtatagpo natin. Wala pong umaasa na mangya­yari ito.”

“Talagang pambihiira ang pagkikita natin, Hiyasmin. Nagpapasalamat ako sa Diyos at dininig niya ang panalangin ko na makita ang mga taong minahal ng aking kapatid na si Rashid. Matagal na akong nagdarasal na pakinggan ang aking kahilingan at tinupad Niya.”

“Oo nga po, Tita. Napa­kabait ng Diyos. Gumawa Siya ng paraan para tayo magtagpo. Napakagandang istorya ng ating pagtatagpo.”

“Masayang-masaya ako Tita.”

“Masayang-masaya rin ako, Hiyasmin.”

“Sana po walang maging sagabal sa pagtungo mo sa Pi­lipinas para makita si Mama. Natitiyak ako  na magiging ma­saya si Mama sa pagkikita n’yo.”

“Plantsado na ang pagtungo ko sa Pilipinas, Hiyasmin. Wala nang makahahadlang pa. Noon ko pa plinano ang lahat. At ngayong nagkita na tayo, lalo nang walang dahilan para hindi ako matuloy.”

“Nasasabik na ako Tita sa pagtungo mo sa Pilipinas.”

“Alam mo Hiyasmin, isa rin sa mahalagang dahilan kaya gusto kong magtungo sa Pili­pinas ay para maipagkaloob sa inyong mag-ina ang naiwang kayamanan ni Ra­shid. Para sa inyong dalawa iyon. Bago pa siya mamatay, naihanda na niya lahat ang kanyang ipamamana sa inyo. Ako ang pinagkatiwalaan niyang magkakaloob sa inyo.

Sa kaya­ma­­nang iyon man lang daw ay makabawi si Rashid sa mga pagkukulang sa inyong mag-ina. Napakarami niyang iniwan. Nakadeposito lahat sa banko ang pera at ita-transfer lang iyon sa inyong mag-ina. Sa laki ng naiwang kayamanan ng kapatid ko, puwede na ka­yong magparelaks-relaks lang. Ang mga masasakit na nangyari sa inyo dahil sa pagpapabaya ng kapatid ko ay mababawi na na lahat. Panahon na para kayo ma­kalasap ng ginhawa.”

Hindi namamalayan ni Hiyasmin na umaagos sa kanyang pisngi ang masaganang luha.

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with