Hiyasmin (293)
“ANG father mo ay isang Arab?’’ tanong ni Mary Underwood kay Hiyasmin.
“Opo, Tita. Isa siyang Kuwaiti.”
“Talaga Hiyasmin?’’
“Opo. Bakit po?’’
“Ako ay isang Kuwaiti—nagbago ang nationality ko nang mag-settle ako rito sa U.S. at nagkaasawa. Nag-convert na ako Roman Catholic.”
“Sabi ko na nga ba at Kuwaiti ka Tita.”
“Alam mo?”
“Kutob ko po—malakas ang paniniwala ko na isa kang Kuwaiti.”
“Kaya siguro magaan ang loob natin sa isa’t isa, Hiyasmin.”
“Opo Tita. Gustung-gusto kitang kausap. Masayang-masaya ako kapag nakikita kita.”
“Teka Hiyasmin, paano naging Kuwaiti ang father mo. Pasensiya ka na sa tanong ko. Gusto kong malaman ang lahat.”
“Wala kang dapat ipagpaumanhin Tita. Ikukuwento ko sa iyo kung bakit ako nagkaroon ng dugong Kuwaiti.”
“Please, Hiyasmin. Makikinig ako.”
“Ang mother ko po ay naging domestic helper sa Kuwait. Nagsilbi po siya sa isang pamilya na may dalawang anak—lalaki at babae. Umibig po ang mother ko sa anak ng amo. Nagmahalan sila at nabuntis ang aking mother. Pero hindi po pinanindigan ng lalaki ang nagawa sa aking mother. Sa sama ng loob, umuwi ng Pilipinas ang aking mother at dun ako isinilang. Mag-isa akong pinalaki ng aking mother. Mula nun wala nang kontak ang mother ko sa aking Kuwaiti father.”
Matagal na nakatitig si Mary kay Hiyasmin. Walang kurap. Tila may inaalala ito. May hinahagilap sa nakaraan.
“Hiyasmin may naalala ako—ganyang-ganyan din ang nangyari. Hindi ko maipaliwanag pero halos ganyan din ang nangyari.”
“Ano pong nangyari?”
“Mahirap ipaliwanag pero parang...”
Hindi makapagsalita si Hiyasmin.
“Hiyasmin, may photo ka ba ng father mo?”
“Meron po.”
Ipinakita ni Hiyasmin ang photo ng kanyang ama na naka-save sa cell phone.
“Eto po siya, Tita.” (Itutuloy)
- Latest