^

True Confessions

Hiyasmin (280)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MARAMING resource persons sa adverti­sing congress pero ang babaing nagsalita ang labis na nakapukaw sa pansin ni Hiyasmin. Napakahusay­ magsalita ng babae na para bang humihigop sa sinumang nakikinig. Sa dami na rin ng mga nada­luhang ad congress ni Hiyasmin, ngayon lang siya labis na humanga sa speaker.

Habang nagsasalita ang babae ay hindi inaalis­ ni Hiyasmin ang tingin. Bukod sa napakahusay mag­salita ay napakaganda. May lahing­ Arab ang babae ayon sa feature ng mukha. Hugis puso ang mukha, matangos na ilong, katamtamang lago ng kilay at halata na maganda ang pangangatawan kahit na nakaupo.

Mabilis na hinanap ni Hi­yasmin ang pangalan ng babae sa makapal na programa na ipinamahagi sa kanila.

Sa dami ng speakers, hindi agad niya makita ang panga­lan ng babae. Kailangan pa niyang isa-isahin ang prog­rama.

Hanggang makita niya. Mary Underwood  ang pangalan ng babae. May-ari pala ito nang malaking ad agency at kasalukuyang pro­fessor sa Harvard University. May masteral at doctoral degrees. Nakapagsasalita nang maraming wika.

At ang labis na ikinahanga ni Hiyasmin, fluent ito sa pagsasalita ng Filipino or Tagalog. Ang asawa nito ay isang American—si Douglas Underwood na isa ring advertising exe­cutive. Mayroong dalawang anak.

Lalong na-magnet si Hiyasmin kay Mary Underwood nang malaman na ma­runong itong mag­salita ng Filipino.

Nang matapos magsa­lita si Mary Underwood para sa araw na iyon, sinikap ni Hiyasmin na makalapit sa babae. Nagmamadali siya sa pagbaba sa kinaroroo­nang upuan para mahabol si Mary.

Pero hindi niya malapitan dahil na rin sa dami ng tao at sa mga nagpapa-autograph dito. Mukhang sikat na sikat si Mary at mara­ming umiidolo sa larangan ng advertising at siguro’y dahil na rin sa husay sa public speaking.

Muling ni-review ni Hiyasmin ang programa. Na­basa niya na tatlong­ araw na speaker si Mary. Nakahinga nang maluwag­ si Hiyasmin. May pag­­ka­kataon pa siyang makilala si Mary.

KINAGABIHAN, nag-video call si Hiyasmin kay Dax. Iyon ang sinabi ni Dax sa kanya bago umalis patungong U.S.—mag-video call sa kinagabihan para nalalaman nito ang lagay niya.

Hindi malaman ni Hiyasmin kung ano ang uu­nahing ikuwento sa asawa.

“Ano ang pinakama­gandang nangyari sa iyo diyan ngayong araw na ito, Love?” tanong ni Dax.

“May babaing speaker sa ad congress na napa­kahusay magsalita, Love.”

“Natural yun Love. Lahat nang speaker ay mahusay dahil linya nila.”

“Oo nga pero kakaiba si Mary Underwood, Love. Marunong siyang mag-Tagalog!”

“Ha?”

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with