^

True Confessions

Hiyasmin (279)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG papasok sa NAIA si Hiyasmin para mag-check-in ay nakadarama siya ng lungkot dahil hindi kasama si Dax. Lubos sana ang kasayahan niya kung kasama ang asawa. Pero gustuhin man niyang kasama sa biyahe papuntang U.S. si Dax ay hindi pupuwede. Kapu-promote lang ni Dax bilang hepe ng advertising department at marami itong responsibilidad sa bagong posisyon. Matagal na inasam ni Dax ang posisyong yun. Isa si Dax sa mga pioneer ng kanilang kompanya.

Kaya dama ni Hiyasmin ang hirap magbiyahe na hindi kasama si Dax. Kung tinanggihan naman niya ang hiling ng kompanya, para siyang tumanggi sa grasya. Baka hindi na siya ipadala kapag nagkaroon ng advertising events. Baka hindi na rin siya ma-promote.

Si Dax din ang nagsabi sa kanya na i-grab ang bawat opportunity dahil minsan lang ito mangyayari. Kaya sinunod niya ang asawa. Tanggapin ang hamon.

NAPAKAGANDA ng Marriot Hotel sa Brooklyn na pagdadausan ng advertising congress. Mula sa kanyang suite sa 25th floor ay tanaw ni Hiyasmin ang buong New York. Napapaligiran ng ­skyscrapers. Napakaganda lalo na sa gabi.

Sa hotel din na iyon gaganapin ang two weeks advertising congress kasabay ang pagdiriwang ng advertising week.

Sa unang araw ng congress ay ipinakilala ang mga resource person at kinikilala sa advertising world.

Isa sa resource person ay naging kapansin-pansin kay Hiyasmin. Parang kakaiba ang naramdaman niya sa taong iyon.

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with