^

True Confessions

Hiyasmin (277)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, biyaheng Japan sina Hiyasmin at Dax para sa kanilang ­honeymoon.

Nang paalis na ang mag-asawa, nagbiro si Nanay Julia, ina ni Dax.

“Sana pagbalik n’yo may balita na kung kailan kami magkakaapo.”

Nagtawa si Dax.

“Pipilitin namin ni Hiyasmin, Nanay. Huwag kayong mag-alala. Kapag mayroon na, sasabihin agad namin sa inyo, ha-ha-ha!”

Nakitawa rin si Hiyasmin.

“Pati ang mama ni Hiyasmin yan din ang hinihi­ling kaya madaliin ninyo,’’ sabi pa ni Nanay Julia.

“Oo nga po Nanay, sabi ni Mama, huwag daw ­kaming uuwi ni Dax hangga’t hindi ako buntis.”

“Marami na talaga nag-aabang sa apo namin.”

“Sige Nanay, aalis na kami ni Hiyasmin.”

Nagmano sina Dax at Hiyasmin kay Nanay Julia.

“Mag-ingat kayo sa biyahe,’’ paalala ng matanda.

Umalis na sina Hiyasmin at Dax.

Samantala, nang mga oras namang iyon ay kausap ni Mama Lira ang kaibigang si Siony. Dumalaw si Siony kay Lira. Hindi nakadalo si Siony sa kasal nina Hiyasmin at Dax dahil may mahalagang pinuntahan.

“Kumusta ang kasal nina Hiyasmin at Dax, Lira?” tanong ni Siony.

“Maayos na maayos. Sayang at hindi ka nakadalo.”

“Biglaan kasi ang lakad ko kahapon.”

“Nakita mo sana kung gaano kaganda si Hiyasmin sa damit pangkasal.”

“Sayang talaga! At saka ikaw din, Lira—ang ganda mo siguro.”

“Siyempre.”

“Nasan na ang bagong kasal?”

“Nasa Japan sila—­honeymoon.”

MAKALIPAS ang ilang buwan, may ibinalita si Hiyamin kay Dax.

“Ipadadala ako ng kompanya namin sa U.S. – may kaugnayan sa advertising technique.”

“Kailan?”

“Next month.”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with