^

True Confessions

Hiyasmin (276)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Habang nag-uusap ang mag-inang Lira at Hiyasmin, lumapit si Dax. Napansin niya na tila may problemang pinag-uusapan ang mag-ina.

“May problema ba, Hiyasmin?” tanong nito.

“Wala naman, Dax.”

“Napansin ko lang kasi na seryoso ang pag-uusap n’yo.”

“Tungkol sa pagpapakasal natin. Kailangan talaga makasal na tayo,’’ sabing nakangiti ni Hiyasmin.

“Talaga namang magpapakasal na tayo di ba?”

“Kasi sinabi raw ni Tita Siony na kapag hindi pa tayo magpakasal ngayong taon ay baka hindi na matuloy..”

“Ha?”

Sumabat si Mama Lira sa usapan ng dalawa.

“Kutob lang naman ni Siony yun. Hindi dapat seryosohin.”

“Bakit daw po hindi matutuloy?’’ tanong ni Dax.

“Walang sinabi, Dax. Huwag na nga ninyong intindihin yun. Dapat pala hindi ko na sinabi kay Hiyasmin para hindi na nag-worry.”

“Hindi naman ako nag­wo-worry ‘Ma. Hindi nga ako naniniwala sa mga pamahiin e. Nagulat lang ako at nag-isip. Pero sa totoo lang, hindi ako nanga­ngamba o naba­bahala.”

“Ay salamat sa Diyos!” nasambit ni Mama Lira.

“Kasi malaki ang tiwala ko kay Dax at siya man ay malaki ang tiwala sa akin kaya walang dahilan para hindi matuloy ang kasal namin,” sabi ni Hiyasmin at yumakap kay Dax.

“Tama po si Hiyasmin. Matapat po kami sa isa’t isa,” sabi ni Dax.

 

Sumunod na buwan, idinaos ang kasal nina Hiyasmin at Dax. Masayang-masaya ang dalawa. Sa wakas, natupad din ang pangarap nilang pagbi­bigkis at hindi magkakahiwalay.

Ang mama ni Hiyasmin ay tumutulo ang luha habang ikinakasal ang dalawa. Ganundin naman ang nanay ni Dax.

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with