^

True Confessions

Hiyasmin (272)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BASTA balatuhan mo ako Lira kapag binigyan ka ng mana,’’ pangu­ngulit ni Siony.

“Sige na nga! Matigil ka na lang, kalahati ng mamanahin ko ang ibibigay ko sa iyo, ha-ha-ha!”

“Huwag kang magtawa Lira dahil maaring mangyari ang mga sinasabi ko. Baka kapag nangyari iyon ay wala kang masabi dahil sa pagkabigla. Marami nang nangyaring ganyan­ na hindi inaasahan ay may­roon palang malaking ka­yamanan na mamanahin sa amang namayapa. Hindi lang basta-basta ang iniwang kayamanan. Talo pa ang tumama sa lotto.”

“Hindi ba sa pelikula lang at komiks lang nangyayari iyon, Siony?”

“’Yung mga lumabas sa pelikula at nabasa sa komiks, galing­ yun sa totoong pangyayari. Kaya walang imposible sa mga sinasabi ko. Malaki ang posibilidad na mangyari ang mga produkto ng guniguni.”

“Sige ikaw na ang magaling.”

“Pero alam mo Lira, natutuwa ako at naging maayos ang kalagayan ni Hiyasmin sa kabila na walang nagisnang ama.”

“Matalino kasi at maru­nong tumindig sa sariling mga paa. Sa kabila na humiwalay siya sa akin dahil sa pakikipag-live-in ko, hindi yun nakapigil sa kanya para itaguyod ang sarili. Gumawa siya ng paraan. Hanggang sa makilala niya si Dax na nagpabago sa kanyang buhay.”

“Hangang-hanga ako sa anak mo, Lira. Sana ganyan lahat ang pag-iisip ng mga anak.”

Napatango si Lira.

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with