^

True Confessions

Hiyasmin (263)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT mo nasabi yun, Siony? Bakit naman niya susunugin ang sariling kuwarto?” tanong ni Lira.

“Base sa na­oobserbahan ko kay Rashid, mayroon siyang kiniki­m­kim sa dibdib na hindi niya mailabas.

“Ang hula ko, may galit siya sa mga magulang dahil nga hindi pinayagan ang relasyon n’yo. Nagrebelde siya. At nang hindi makayanan ang dalahin sa paghihiwalay n’yo e na-depressed. Nagsasalitang mag-isa. Bigla na lang lalabas ng bahay at magtutungo sa parke at doon magsisigaw.”

Hindi makapagsalita si Lira. Talaga nga kayang dinibdib ni Rashid ang paghihiwalay nila? Mahal nga kaya siya ni Rashid?

Nagpatuloy si Siony.

“Makalipas ang ilang araw, lumabas ang report ng mga pulis na sinadya ngang sunugin ni Rashid ang kanilang bahay.”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with