^

True Confessions

Hiyasmin (262)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY sa pagkukuwento si Siony tungkol sa pagkasunog ng bahay nina Rashid na naging dahilan nang pagkamatay nito at ng mga magulang. Hindi nakalabas ng kuwarto ang mga biktima at na-suffocate. Natagpuan daw ang katawan ng mga magulang ni Rashid sa banyo ng kuwarto. Si Ra­shid daw ay sa kuwarto nito.

“Ang kapatid na babae ni Rashid ay nasa ibang bansa at dun nag-aaral kaya hindi siya napabilang sa trahedya.

“Tupok na tupok talaga ang bahay nila. Habang nasusunog ay may mga narinig pa kaming pag­sabog. Naalimpungatan nga ako dahil maliwanag sa tapat ng aming bahay. Yun pala, may sunog at kina Rashid nga. Nun lang ako nakakita nang malaking sunog. Nagdatingan ang mga firetruck pero tupok na agad ang bahay. Malakas kasi ang hangin ng mga oras na iyon dahil sa sandstorm. Parang hinihipan. Mabuti na lang at mataas ang pader ng mga bahay kung hindi, lilipat sa kabilang bahay at kakalat.”

Walang masabi si Lira kundi pawang buntunghininga.

“Sa isang iglap, nawala si Rashid—hindi agad makapaniwala,’’ sabi ni Siony.

“Ano raw ang pinagmulan ng sunog, Siony?’’ naitanong ni Lira pagkaraan nang pananahimik.

“Sigarilyo raw. Sa room ni Rashid nagmula. Nadikit daw sa kurtina ang may sin­ding sigarilyo. Naiwan daw ni Rashid. Pero duda ako na yun ang dahilan.”

“Bakit Siony?”

“Palagay ko sinadya ni Rashid na sunugin ang kuwarto!”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with