^

True Confessions

Hiyasmin (261)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SAGLIT na namayani ang katahimikan makaraang sabihin ni Siony na nasunog ang bahay ni Rashid sa kalaliman ng gabi.

Sabi ni Siony, nagising na lamang daw sila sa ingay ng mga bumbero sa paligid. Napakaliwanag dahil sa malaking apoy na nagmumula sa nasusunog na bahay nina Rashid.

“Hindi ako makapaniwala sa nakita na nilalamon ng apoy ang malaking bahay nina Rashid. Unang pagkakataon na nakasaksi ako ng sunog mula nang magtrabaho sa Kuwait. Bihira ang sunog sa Kuwait dahil maayos ang pagkakagawa ng mga bahay ganundin ang pagkakalagay ng mga kawad ng kuryente.

“Kaya hilakbot na hilakbot ako sa nangyari. Naka­rinig pa kami ng pagsabog mula sa loob ng bahay na ayon sa mga bumbero at pulis ay tangke ng LPG.

“Makalipas ang dalawang oras ay ganap nang naapula ang apoy pero wala nang natira sa bahay nina Rashid. Parang dina­anan ng bagyo na mga ha­ligi na lamang ang natira.

“Makaraan pa ang isang oras ay pinasok na ng mga bumbero ang bahay kasama ang mga pulis at medics.

“Nang lumabas sila, nasa stretcher na ang mga bangkay na nakuha sa loob. Nakabalot sa puting kumot. Tatlo ang nakuhang bangkay na kinabibilangan ni Rashid at kanyang mga magulang.”

Hindi makapagsalita si Lira. Gusto niyang umiyak. Patay na pala si Rashid!

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with