^

True Confessions

Hiyasmin (259)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT kaya siya nagmamadali sa pag-uwi, Siony?’’ tanong ni Lira na halatang nasasabik sa mga nangyari kay Rashid.

“Hindi ko nga alam, Lira.”

“Sino ba ang kasama niya sa bahay sa ganung oras, Siony?”

“Hindi ako sure pero sa halos araw-araw na pag-oobserba ko sa buhay ni Rashid at pamilya niya, nag-iisa lang siya sa bahay dahil nagtatrabaho ang mga magulang niya.”

“Ang isa niyang kapatid na babae? Nasaan?’’

“Ang pagkaalam ko, nasa America at dun nag-aaral.”

“Ano pa ang naob­serbahan mo, Siony?”

“Sa gabi, muli siyang lalabas ng bahay. Napapansin ko na balisa siya. Parang hindi mapakali. Dadako siya sa malaking basurahan na malapit na sa bahaging dis­yerto. Natatandaan mo ang basurahang ‘yun, Lira?”

“Oo. Anong gagawin niya roon?’’

“Basta tatayo lang siya roon. Ganun lang at saka pagkalipas ng mga 15 mi­nutes ay babalik na sa bahay.”

“Dun ako madalas nagtatapon ng basura, Siony.”

“Oo nga. Dun din tayo madalas nagkikita at nagkukumustahan di ba? Tuwing gabi tayo nagtatapon ng basura.”

“Oo.”

“Napapansin ko Lira, lahat nang mga lugar na nagpa­paalala sa’yo, pinupuntahan ni Rashid.”

Natigilan si Lira.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with