^

True Confessions

Hiyasmin (258)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagpatuloy si Siony sa pagkukuwento kay Lira tungkol sa mga naob­serbahan nito kay Rashid habang nagpupunta sa parke at uupo sa paboritong bench doon.

Hindi mapigilang mapa­luha ni Lira sapagkat ang concrete bench na paboritong upuan ni Rashid ay ang bench din na inuupuan niya noong nasa Kuwait pa siya at nagsisilbing kasambahay. Sa bench na iyon nagpapalipas ng oras si Lira tuwing Biyernes na day-off siya. Hinahayaan siyang ma­mahinga ng kanyang mga amo.

Maraming pagkakataon na inabutan siya ni Rashid sa parke habang nakaupo sa bench. Palihim silang nag-usap ni Rashid doon. At iyon marahil ang dahilan kaya kabisado ni Rashid ang bench na inuupuan.

“Napansin ko na habang nakaupo si Rashid ay lumuluha siya. Hindi ako ma­aring magkamali dahil ilang metro lamang ang layo ko sa kanya. Hindi niya ako nahahalata na nagmamatyag sa kanya.”

“Marami bang tao sa parke, Siony?”

“Konti lang Lira. Mga kasambahay na may kasamang alagang bata ang madalas na naroon. May ilan ding mga Pinoy na nagja-jogging. Ako palakad-lakad lang at hindi naman nahahalata kahit padaan-daan sa harap ni Rashid.”

“Ano pa naobserbahan mo, Siony?”

“Pagkatapos maupo nang may isang oras, tatayo na si Rashid at maglalakad. Ako naman ay palihim na susunod—malayo ang agwat ko sa kanya para hindi makahalata.”

“Saan siya pupunta?”

“Patungo na sa kanilang bahay. Nagmamadali siya sa pag-uwi.”

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with