Hiyasmin (195)
“GUSTO ko ring makilala ang mama mo, Hiyasmin,’’ sabi ni Dax.
“Kaya tawagan o i-text mo para magkita tayo.’’
“Oo, Dax.’’
“Sa isang restaurant natin dadlhin para habang kumakain tayo ay nagkukumustahan.’’
“Kung yan ang gusto mo Dax.”
“Mabuti nga at siya na ang nagpasya na huwag tayong magtungo sa bahay nila. Baka maabot natin dun ang stepfather mo at magkaroon pa ng hindi magandang pangyayari. Baka kung ano ang sabihin sa iyo ng stepfather mo at siyempre, hindi naman kita mapapabayaan. Puproteksiyunan kita kahit anong mangyari.’’
Napatitig si Hiyasmin kay Dax.
At sa pagkabigla ni Dax, bigla siyang hinalikan ni Hiyasmin sa labi.
Hindi nakakilos si Dax. Ang lambot ng mga labi ni Hiyasmin.
“Salamat sa pagprotekta mo sa akin, Dax. Salamat sa pag-ibig mo!’’
“Puwede isa pang halik?’’
Tinampal lang ni Hiyasmin sa braso si Dax. Saka hinagilap ang palad ni Dax at mahigpit na pinisil.
“Hindi ako nagkamali sa’yo Dax—napakasuwerte ko!’’
Ginantihan ni Dax ng pagpisil sa palad ni Hiyasmin.
“Sa palagay mo, kailan kaya natin mami-meet ang mama mo?’’
“Tatawagan ko siya mamaya o iti-text kaya. Siguro kapag hindi na halata ang pasa niya sa mukha at braso. Nasabi ni Mama na ayaw daw niyang makita ko ang mga ginawang pananakit sa kanya. Nagsarado raw ang kanang mata niya nang suntukin siya. Habang ikinukuwento ni Mama yun, nanggigil ako. Gusto kong pagsusuntukin ang mukha ng walanghiya.”
“Gusto ko nang sabihin kay Mama na hiwalayan na niya ang walanghiya pero pinigil ko ang sarili. Nagtimpi pa rin ako. Kasi alam ko rin namang ang mama ko ang dapat sisihin sa mga nangyayari. Kung hindi siya pumatol, sana walang problema.’’
“Hayaan mo ang mommy mo na maka-realized sa mga nagawa niya. Palagay ko may aral na siya.’’
“Sana nga Dax! Sana nga!”
(Itutuloy)
- Latest