Hiyasmin (189)
“MERON na ba kayong balak ni Dax, Hiyasmin?” tanong ni Nanay Julia.
“Ibig kong sabihin, napag-usapan na ba ninyo ang pagpapakasal.”
Napaumis si Hiyasmin.
“Hindi pa po. Wala pa po kaming napag-uusapan tungkol sa pagpapakasal— kasi bagu-bago pa lamang.’’
“Sabagay nga. Kaya ko naman naitanong ay kasi atat na akong magkaapo. Matanda na kami at siyempre bago man lang sana mawala sa mundo ay makita namin ang aming apo.’’
“Darating din po sa bagay na yan, Nanay. Huwag ka pong mainip.’’
“Kasi’y naiinggit ako sa ibang kaibigan ko na ipinagmamalaki na may apo na sila. Ipinakikita sa Facebook ang apo nila.’’
“Hindi na po magtatagal, Nanay.’’
“Salamat, Hiyasmin. At isa pa nga pala, kaya ko rin naitanong ang tungkol sa pagpapakasal e gusto ko rin namang makilala ang mga magulang mo. Sabik akong makita sila.’’
Nag-isip si Hiyasmin.
Iyon ang isa sa problema niya. Paano niya ipakikilala ang mama niya sa mga magulang ni Dax.
Baka umiksena pa ang father-in-law niya na matagal na niyang kinapopootan.
At paano rin ang “lihim” na nagkunwari siyang boarder gayung “scholar” siya ni Dax.
Anong gagawin niya?
Isang araw, nilapitan niya si Nanay Julia. Kinausap nang sarilinan.
“May sasabihin po akong mahalaga sa iyo, Nanay.”
(Itutuloy)
- Latest