Hiyasmin (187)
ANG sumunod ay ang paglalapat ng mga labi nina Dax at Hiyasmin. Mas kapana-panabik kaysa una. Mas nadama ang tamis.
“Dax…’’
“Hiyasmin…’’
Iyon ang tanging namutawi sa kanilang mga labi.
At ang kasunod na ay ang mainit na paglalapat ng mga labi. Mas maapoy kaysa nauna. Wala nang makapigil sa kanila para ipadama ang labis na pagmamahal.
Si Dax ay maligayang-maligaya sapagkat sigurado na siya sa puso ni Hiyasmin. Si Hiyasmin naman ay tiyak na ang sarili na si Dax ang lalaki para sa kanya at wala nang iba. Sigurado na siya sa lalaking ito. Wala na siyang hahanapin pa.
Nang matapos ang paglalapat ng kanilang mga labi, kapwa sila naghabol sa paghinga—parang galing sa pagsisid sa malalim na ilog.
“I love you Hiyasmin,’’ sabi ni Dax.
“I love you too, Dax,’’ sagot ni Hiyasmin.
“Ang saya ko, Hiyasmin. Nasabi at nagawa ko ang mga balak na noon pa dapat naisagawa.’’
“Oo nga, Dax. Nagulat ako sa ginawa mo.’’
“Ngayon, hindi na ako mahihiya dahil akin ka na.’’
“Gusto mo sabihin ko na kay Nanay Julia.’’
“Huwag muna.’’
“Bakit?’’
“Basta.”
Itutuloy
- Latest