^

True Confessions

Hiyasmin (10)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA tantiya ni Dax ay 19 o 20-anyos si Hiyasmin. Kung estudyante, baka nasa fourth year college na. Pero nagtatrabaho na siya—may ID pa nga. Sabagay maari namang magtrabaho at saka mag-aral—working student.

Saan kaya nakatira si Hiyasmin? Nang tanungin niya ito kung paano nalag­lag ang ID ay dahil dito raw siya nagdaan sa P. Noval pero hindi raw siya sa kalyeng ito nakatira. Hindi naman sinabi kung saan—baka ma­lapit lang dito. Pero bakit dito siya nagdaan sa P. Noval? Mahaba ang P. Noval na umaabot mula España hanggang Dapitan. Posib­leng sa Dapitan siya naka­tira at nilalakad lang ang pa­tungo sa trabaho o sa school. Malayu-layo rin ang nilalakad ni Hiyasmin kung tama ang kanyang mga inaakala.

Matagal daw niyang hinanap ang ID. Tiningnan daw ang bawat dinaanan. Lubus-lubos ang pasasalamat sa kanya ni Hiyasmin. Damang-dama ni Dax ang pasasalamat. Ilang beses inulit. At bumalik pa nga para itanong ang kanyang pangalan. Nalimutan daw itanong. Siguro ay dahil sa sobrang excited na natagpuan ang kanyang ID.

Lumipas ang isang linggo. Nalimutan na ni Dax ang tungkol sa ID ni Hiyasmin. Nagbabasa siya ng libro sa salas, dakong alas nuwebe ng umaga. Hindi siya puma­sok sa opis dahil ma­sakit ang ulo niya.

Nang may ma­rinig siyang tawag mula sa labas.

“Tao po! Sir Dax!’’

Tinungo ni Dax ang pinto at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with