^

True Confessions

Hiyasmin (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pinagmasdan ni Dax ang retrato ni Hiyasmin Elcruz sa ID. Maganda. Sa tingin ni Dax ay may lahing Arab si Hiyasmin. Ang mata na hugis almond ay parang inaantok. Malago ang kilay.

Maliban sa pangalan at lagda, wala nang iba pang nakasulat sa harap.

Binasa niya ang nasa likod ng ID. Pangalan ng kompanya na gumagawa ng sitsirya. Alam niyang sa sitsirya sapagkat na­papanood niya sa TV na nag-iisponsor ito ng noontime show. May address at telephone number ang kompanya.

Nagkaroon ng konklu­s­yon si Dax na nagtatrabaho sa pa­gawaan ng sitsirya si Hiyas­min. Dito siya nagdaraan sa P. Noval kapag pumapasok siguro sa trabaho at dito rin nagdaraan sa pag-uwi. Kaya dito nahulog ang ID.

Pero bakit hindi pa niya ito binabalikan? Paano siya makakapasok sa trabaho kung walang ID. Ang alam niya mahigpit sa pabrika at hindi pinapapasok ang walang ID.

Naisip ni Dax na kapag hindi pa kinuha ni Hiyasmin ang ID sa loob ng dalawang araw, tatawag siya sa kompanya nito. Kawawa naman kung hindi maibabalik ang ID. Baka hindi ito pinapapasok ng guwardiya sa loob ng pabrika. Alam niya, mahigpit sa mga pabrika na pag-aari ng Chinese.

Bukas, hindi niya sa gate isasabit ang ID at baka may ibang kumuha. Ididikit niya sa screen door. Tiyak na ma­kikita ito ni Hiyasmin. Kaila­ngan lang niyang hintayin na magkaroon ng tao sa bahay para ma-claim ang ID.

Iyon ang pinaka-safe na pa­raan para hindi mawala ang ID.

Kinabukasan, bago puma­sok. Idinikit ni Dax sa pama­magitan ng masking tape ang ID ni Hiyasmin Elcruz.

Siniguro niyang nakadikit nang maayos ang ID at ma­ki­kita ng may-ari. (Itutuloy)

vuukle comment

DAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with