^

True Confessions

Dioscora (105)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI pa makaka­balik si Mam, Maria. Hindi raw niya alam. Ang mga pangangailangan daw natin ay ipadadala niya sa banko sa account ko at dun ko na lang iwi-withdraw. Marami pa raw siyang inaasikaso kaya hindi niya alam kung ka­ilan iyon matatapos. Pero huwag daw tayong mag-worry dahil kapag natapos ang lahat nang inaasikaso niya ay babalik siya. Sa ngayon daw, malabo pa kung kailan matatapos. Hintayin na lang daw natin ang mga susunod niyang text. Huwag din daw siyang tatawagan.

“Yan ang mga sinabi niya sa text, Maria,” pagtatapos ni JC at ipinatong ang cell phone sa center table.

“Sa himig ng pananalita niya ay matatagalan pa siya bago makabalik. Wala siyang maipangakong date,’’ sabi pa ni JC at napabuntunghininga.

“Mukhang mabigat ang problema niya ano Kuya?’’

Tumango si JC.

“Hindi kaya next year na siya makapagpakita sa atin, Kuya?’’

“Posible ‘yun.’’

“Baka naka-graduate ka na sa course mo e hindi pa siya bumabalik.’’

Hindi nakapagsalita si JC. Baka magkatotoo ang sinabi ni Maria. Baka magtapos siya na wala si Mam.

“Sana naman narito na siya sa graduation ko. Sa kanya ko ireregalo ang bu­nga ng pinag-aralan ko.

ILANG buwan bago ang nakatakdang graduation nina JC, nalaman na niya ang magandang ba­lita: kasama siya sa honor roll!

Nabalitaan iyon ni Angel at ito ang kauna-una­hang bumati sa kanya.

“Congrats JC! Sabi ko na nga ba at kasama ka sa mga may honor! Galing!’’

“Salamat, Angel.’’

“Ano kayang masasabi ni Prof. Terror ngayon?’’

Napangiti lang si JC.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with