^

True Confessions

Dioscora (38)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

Hindi mawala sa isip ni JC si Mam Dioscora. Kahit saan siya naroon, sumisingit sa isip niya si Mam Dioscora. Lagi niyang tinatanaw na malaking utang na loob ang pagtulong ni Mam nang namatay ang kanyang tatay. Kung hindi kay Mam, hindi niya alam ang gagawin. Sobra-sobra talaga ang ginawa nitong pagtulong. Itinuring niya si Mam Dioscora na anghel na nahulog mula sa langit.

At kapag may ginagawa siya sa shop, lagi niyang iniisip na sana ay magtungo roon si Mam Dios­cora. Sana, isang araw ay bigla itong dumating. Sana, bigla na lang sumulpot gaya nung isang araw. Napadaan lang daw para mangumusta.

Pero makaraan iyon, hindi na muling dumaan sa shop si Mam Dioscora. Bakit kaya? Tinangkang tawagan ni JC pero hindi na naman niya makontak. Naisip niya na baka nagbago na ng number si Mam. Hindi na niya tinawagan.

Lumipas ang isang buwan na hindi sumilip si Mam sa shop. Ba’t kaya? Nagtataka si JC.

At umuusal siya ng dasal na sana biglang dumating si Mam. Sana…sana…

Pati pala si Mulo ay nagtataka rin sa hindi pagdalaw ni Mam.

“Hindi na nagpupunta rito si Mam, JC.’’

“Oo nga.’’

“Ba’t kaya, JC?’’

“Baka busy sa trabaho. O baka nasa ibang bansa. Ang mayayaman ay laging busy.’’

“Oo nga JC. Kaya ayaw kong yumaman—ayaw kong maging busy.’’

“E bakit gusto mong pumasok na janitor kay Mam e ayaw mo palang maging busy.’’

“Joke lang. Ikaw naman seryoso agad.’’

“Gusto mo pang pumasok na janitor?’’

“Oo.’’

“Kung ako sa’yo ang pagi­ging aircon tech ang pagtu­unan mo ng pansin. Mahusay kang aircon tech kaya diyan ka magpokus, huwag sa si­­nasabing pagdya-janitor. Try mong magtanong sa TESDA.’’

“E…wala naman akong pera para mag-aral.’’

“May libreng kurso sa TESDA.’’

“Bahala na, JC.’’

“Hayaan mo at kapag wala akong ginagawa, mag-i-inquire ako sa TESDA at sasabihin ko sa’yo. Sayang ang skill mo e.’’

“Salamat, JC. Ang bait mong boss.’’

“Hindi naman ako Boss —si Kuya Dads ang boss natin.’’

“Boss ka na rin. Ikaw ang pumapalit sa kanya gaya ngayon na wala siya.’’

“O sige. Boss na ako kung boss, he-he-he!”

“Mabait kang boss hindi katulad ng dati kong amo sa Damong Maliit.’’

Maya-maya may puma­radang kotse. Nang ting­nan ni JC kung sino ang driver nagulat siya. Si Mam Dioscora! (Itutuloy)

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with