^

True Confessions

Dioscora (37)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi nagtungo sa shop si Mam Dioscora ng araw na iyon at maski sa mga sumunod na araw. Naisip ni JC na kaya nga lamang nagtungo noon si Mam Dioscora ay para alamin kung natanggap ang ipinadalang tulong nang mamatay ang kanyang tatay. At marahil, hindi na ito pupunta pa sa shop maliban na lamang kung may ipaaayos sa kotse nito. Pero malabong may maipaayos ngayon si Mam Dioscora dahil napansin niyang brand new na ang sasakyan nito. Malabo nang magkaroon ng problema sa aircon. Kaya hindi na niya inaasahan na pupunta pa roon si Mam Dioscora.

Examination ni JC. Nasagot niya lahat ang tanong. Tamang-tama na ang mga pinag-aralan niya ang mga tanong sa test paper.

Habang nire-review niya ang mga sagot, naalala niya ang mga sinabi ni Mam Dioscora na “tiis-tiis lang” at makakatapos din. Bakit kaya nasabi ni Mam ‘yun? Dati rin kaya siyang working student?

(Itutuloy)

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with