^

True Confessions

Kaibigan (213)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MADALING naisaayos nina Dex at Lara ang pagbabalik sa Pilipinas pag­ka­raan nang ilang taon din na pagtatrabaho nila sa Riyadh­. Malaking pera ang na­kuha nilang separation sa ospital­ na pinagtrabahuhan. Malaki rin ang pera nilang ipon. Sobra-sobra sa balak nilang bilhing farm na pagsisimulan nila ng bagong pagkakakitaan. Alam nilang sa simula ay mahirap pero handa silang magtiyaga. Ang lahat ay nakukuha sa tiyaga. Napatunayan na ni Dex na matamis ang bunga ng pagtitiyaga. Alam niya na hindi nabibigo ang mga taong matiyaga.

“Mabuti pala at talagang­ nag-decide na tayong umuwi Dex kasi magkakaroon pala ng malawakang pagbabago sa ospital na pinanggalingan­ natin. Ipatutupad na ang Saudization. Lahat nang mga puwedeng trabahuhin ng Saudi national ay ipapasa na sa kanila. Ang posisyon ko pala ay isa sa mga ibibigay sa Saudi.’’

“Ganun ba? Kanino mo nalaman?’’

“Sa supervisor namin. Tama nga raw ang desisyon ko na mag-finished contract dahil mag-e-effect na ang Saudization.’’

“E ang posisyon ko kaya apektado rin?’’

“Malamang.’’

“Tama pala talaga ang desisyon natin, Lara.’’

“Oo.’’

“Siyanga pala kailan tayo uuwi sa Nagcarlan para tingnan ang farm na iniaalok sa’yo?’’

“Hinihintay ko ang text ng classmate ko. Baka ngayong araw na ito, i-text niya ako. Pero sure nang sa atin ipagbebenta ang lupa.’’

“Gusto kong makita ang lupa, Lara para mapagpla­nuhan ko.’’

“Malalaman natin mama­maya. Ako man, guso kong makita ang lupa.’’

 

SUMUNOD na linggo, nakita na nina Dex at Lara ang lupa. Napakaganda ng lokasyon. Malapit sa highway. Tamang-tama sa naiisip nilang pagkakakitaan. Ganung lupa ang pangarap ni Dex.

Sumunod na araw nagbayaran na sila. Mura lang nabenta sa kanila dahil rush. Patungo na sa Canada ang may-ari at kailangang idispose na lahat ang ari-arian.

Matapos magbayaran, nag­simula na si Dex sa mga gagawin niya sa pag-aaring lupa. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with