^

True Confessions

Kaibigan (163)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TILA inaasahan na ni Lara ang pagtawag ni Dex dahil unang ring pa lang ay nakasagot na agad ito. Parang nakaabang na sa tawag ni Dex.

“Hello Dex?’’

“Good news, Lara! Paalis na ako next week. Kagaga­ling ko lang kanina sa agency. Mag-prepare na raw ako.’’

“Wow! Sabi ko na sa’yo e, makakarating ka rin dito.’’

“Bukas ay may orientation pa ako. Kailangan ko raw malaman ang mga hindi dapat gawin kapag nariyan na sa Riyadh. Marami raw bawal diyan lalo na kung panahon ng Ramadan at sa oras ng pagdarasal.’’

“Ah oo. Kapag Ramadan dito e bawal uminom at kumain in public.’’

“Bakit?’’

“Kasi fasting sila sa araw. Sa gabi sila kumakain.’’

“Ganun ba?’’

‘‘Limang beses naman silang magdasal sa loob ng isang araw. Bawal dito ang maglakad sa oras ng dasal. May mga motawa na nagpapatupad na kailangan ay nasa loob ka lang ng bahay at huwag kakalat-kalat.’’

“Ano yung motawa?’’

“Religious police yun.’’

“Kailangan pala super ingat ako diyan—super higpit pala. Baka mahirapan ako.’’

“Kaya mo. Mabilis lang naman na maka-adopt dito. Isa pa narito naman ako kaya hindi ka mahihirapan, Sa simula lang.’’

“Basta alalayan mo lang ako.’’

“Oo. Siyanga pala pagpupunta ka na, magdala ka ng pasalubong na kahit ano, huwag lang, karneng baboy at bawal yun dito.’’

“Anong pasalubong naman ang gusto mo?’’

“Bili ka ng espasol Nagcarlan—miss ko na yun. Saka pastillas.’’

“Hindi ba bawal yun?’’

“Hindi. Ilagay mo lang sa transparent na box.’’

“Sige.’’

Mahaba ang kanilang pag-uusap. Halatang-halata ang kasiyahan kay Lara sa nalalapit na pagkikita nila ni Dex.

ISANG araw bago ang pag-alis ni Dex, dumalaw siya sa puntod ni King. Una muna siyang nagtungo sa puntod ng asawang si Tess.

Marami siyang sinabi sa harap ng puntod ng kaibigan.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with