Kaibigan (162)
“Bakit nakakatawa ang pagiging engot ko Lara?’’
“Kasi inosenteng-inosente ka, ha-ha-ha!’’
“Parang bata?’’
“Oo. Sabagay ganyan din si King, para ring tanga.’’
“Baka multuhin ka ng kaibigan ko sige ka.’’
“Hindi ako pagmumultuhan nun.’’
“Bakit?’’
“Alam niyang takot ako sa multo.’’
“Kahit minsan, hindi nagparamdam sa iyo si King?’’
“Hindi. Kahit napabayaan ko ang puntod niya, hindi naman ako pinagpapakitaan.’’
“Mahal ka kasi ni King.’’
“Oo nga. Teka nga pala Dex, nadadalaw mo ba ang puntod ni King. Pakidalhan mo naman ng bulaklak at kandila. At pakilinis mo na rin ang paligid ng puntod.’’
“Oo. Buwan-buwan dumadalaw ako kay King. Nililinis ko ang puntod.’’
“Salamat. Ang iniisip ko, paano kung narito ka na sa Riyadh, e di wala nang magdadala ng bulaklak at kandila.’’
“E di ba yearly naman ang bakasyon mo. Mabilis lang naman ang one year.’’
“Sabagay.’’
“Kapag aalis na ako, pupunta uli ako sa puntod ni King.’’
“Sige, Dex. Kailan ka kaya aalis?’’
“Bukas pupunta ako sa agency. Dadalhin ko ang passport. Itatanong ko kung kailan ako aalis.’’
“Sige Dex, good luck!’’
Kinabukasan, tuwang-tuwa si Dex nang sabihin sa kanya ng general manager ng agency na next week na ang alis niya patungong Riyadh.
“Bukas po ay magtungo lamang dito para sa orientation at sa iba pang dapat tandaan sa pagtungo sa Saudi Arabia.’’
“Opo. Salamat po.’’
Kinagabihan, tinawagan uli niya si Lara. Ibinalita ang pag-alis niya. (Itutuloy)
- Latest