^

True Confessions

Kaibigan (159)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAG-PREPARE ka ng autobio­graphy mo, certificate of employment, diploma, police at NBI clea­rance at passport,’’ sabi ni Lara na excited sa pagsasalita.

“Wala pa akong passport. Di ba matagal kunin ‘yun, Lara?’’

“Oo. Kaya bukas, ‘yun muna ang asika­suhin mo. Tapos isunod mo ang NBI at police clearance kasi ‘yan ang matagal i-release.’’

“Dapat pala nag-aplay na ako noon pa ng passport ano?’’

“Oo nga. Sayang.’’

“Hindi ko naman kasi alam na ura-urada ay magkakabakante diyan sa ospital n’yo.’’

“Oo nga ako rin hindi ko inaasahan. Na­limutan ko rin namang i-remind sa iyo.’’

“Pero sigurado ba talagang diyan ako sa ospital n’yo makakapasok?”’

“Oo. Pilipino nga ang kontak ko rito at nangako siya sa akin.’’

“Anong sabi mo?’’

“Sabi ko tulungan naman niya ako na maipasok ang kaibigan ko, ikaw nga na mapasok as supply officer. Sabi ko qualified ka—mahaba ang experience mo.’’

“Anong sabi?’’

“Nangako nga. Kaya sinabi sa akin maghanda na ng requirements at ma­dali lang mapa-process ang aplikasyon mo. Walang placement fee ito.’’

“Talagang sure na akong makakapasok.’’

“Oo Dex. Magkaka­sama na tayo rito.’’

“Turuan mo akong magsalita ng Arabic ha. Baka kausapin ako ng Arabo diyan e hindi ako makasagot.’’

Napahalakhak si Lara.

“Oo naman. Tuturuan kita. Madali lang.’’

“Baka mahirapan ako diyan, hindi kaya?’’

“Para kang tanga. Ang haba nga ng karanasan mo sa trabaho. Ako nga nagpunta rin na walang experience e ito at mag-iilang taon na. Basta kaya mo rito, Dex. Huwag kang kabahan.’’

“Sige bukas mag-aaplay na ako ng pass­port.’’

“Sige. Kapag naka­pag-applay ka, punta na agad sa agency sa Makati.’’

“Sige Lara.’’

 

KINABUKASAN, nag-aplay na ng passport si Dex. At pagkatapos ay police at NBI clea­rances. At saka siya nagtungo sa agency sa Makati para magsubmit ng requirements. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with