^

True Confessions

Kaibigan (158)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ipinagpatuloy ni Dex ang paghahanap ng trabaho sa classified ads. Araw-araw siyang bumibili ng diyaryo at bakasakaling may mangailangang kompanya sa Saudi. Sinunod niya ang payo ni Lara na huwag susuko.

Nang hindi makakita ng job opening sa diyaryo, nagsadya siya sa POEA. May nabalitaan siyang mga nakapaskel na job opening sa POEA at wala raw placement fee. Nag-absent siya sa trabaho at sinadya ang tanggapan ng POEA.

Pero pagdating niya sa POEA, pawang trabaho na may kinalaman sa electrical at carpentry at janitorial services ang nakapaskel. Wala ni isa man para sa supply officer o supply clerk. Umuwi siyang laglag ang balikat.

Kinabukasan, bumili uli siya ng diyaryo. Hindi siya susuko gaya ng payo ni Lara. Hindi raw dapat mag-quit.

Pero wala talagang ­nangangailangan ng trabahong may kuwalipikasyon siya. Talagang ayaw yata siyang papuntahin ng Saudi. Talagang ayaw silang magkasama ni Lara sa Saudi. Gustung-gusto pa naman ni Lara na makapagtrabaho siya sa Saudi para rin daw magkaroon ng pagbabago sa buhay. Tama naman si Lara.

Makalipas ang isang linggo, biglang tumwag si Lara. Hatinggabi. Inaantok na siya nang big-lang mag-ring ang phone niya.

“Dex may good news ako!’’ sabi ni Lara na halatang masayang-masaya.

“Ano yun, Lara?’’

“May bakante rito sa ospital—supply officer. Swak na swak sa kuwalipikasyon mo!’’

“Talaga? Paano mo nalaman?’’

“May nakapagsabi sa akin at agad akong nag-verify. Totoo nga. Nakausap ko na ang isang taga-supply department na nagkataong Pinoy. Kaya nirekomenda kita.’’

“O e paano ako mag-aaplay?’’

“Ganito. Magtungo ka sa agency na nagre-recruit. Sa Pasong Tamo, Makati ang opisina. Walang placement fee.’’

“Ano pang gagawin ko, Lara?’’

Sinabi ni Lara. Masayang-masaya ito habang iniisa-isa ang kailangan sa pag-aaplay.

(Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with