^

True Confessions

Kaibigan (157)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Mula noon araw-araw nang bumibili ng diyaryo si Dex at binubuklat ang classified ads nagbakasaling makakita ng opening sa Saudi Arabia. Puwede niyang aplayan ang supply clerk o supply officer dahil related sa trabaho niya ngayon bilang supervisor ng purchasing. Sa tagal ng serbisyo niya sa purchasing department, malawak na ang karanasan niya kaya hindi na siya mahihirapan sa pag-aaplay.

Pero wala siyang makitang opening. Pawang ang hinahanap ay nurse, engineer, karpintero, bus driver, domestic helpers at computer technicians. Walang supply clerk o supply officer.

Isang linggo na siyang bumibili ng diyaryo ay wala pa rin siyang makitang opening. Mukhang hindi siya bagay sa Saudi Arabia. Kung talagang ang kapalaran niya ay para sa Saudi, sana ay mayroon nang bakante para sa posisyong hinahanap niya.

Hanggang sa ipasya na niyang huwag nang bumili ng diyaryo. Tama na ang paghahanap. Hindi talaga siya pang-Saudi. Pagtitiisan na lamang niya ang kasalukuyang trabaho na hindi rin naman siya agrabyado sa suweldo. Sasabihin niya kay Lara na hindi na siya mag-aabroad. Maiintindihan naman siguro siya ni Lara.

Nang tawagan niya si Lara nang sumunod na gabi, sinabi niya na walang opening sa hinahanap niyang trabaho sa Saudi.

“Lagi ka bang nagbabasa ng diyaryo, Dex. Baka naman paminsan-minsan lang,’’ sabi ni Lara na may himig kabiguan.

“Araw-araw, Lara. Marami na nga akong diyaryo rito sa bahay.’’

“Huwag mong itigil ang paghahanap at baka isang araw biglang may job ­opening.’’

“E wala talaga, Lara.’’

Hindi nagsalita si Lara. Paghinga lang nito ang naririnig ni Dex. Hanggang matahimik sa kabilang linya,

“Lara? Nandiyan ka pa?’’

“Oo narito pa ako.’’

“Akala ko wala ka na.’’

“May iniisip lang ako kaya natahimik.’’

“Ah akala ko binaba mo na.’’

“Ituloy mo ang pagbabasa ng diyaryo at baka makatiyempo ka.’’

“Oo. Sige.’’

“Malakas ang kutob ko makakakuha ka ng trabaho at makakapunta sa kinaroroonan ko.’’

“Sige at pagsisikapan ko, Lara.’’

“Huwag kang susuko, Dex.’’

“Oo.’’

(Itutuloy)

SAUDI ARABIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with