^

True Confessions

Kaibigan (154)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ba’t naman ako magtatampo? Nahihiya nga ako dahil natawagan kita kanina e nasa trabaho ka pa pala. Hindi ko naman alam na alas dos pa lang ng hapon diyan,’’ sabi ni Dex kay Lara.

“Oo, ahead diyan ng five hours. Pag-alas dose diyan ng gabi, dito ay alas dos pa lang.’’

“Hindi ka naman napagalitan kaninang tawagan kita?’’

“Hindi naman. Sobrang busy ko lang kanina dahil nag-off ang kasamahan kong nursing aide. Nag-iisa ako.’’

“Ganun ba? E di pagod na pagod ka.’’

“Oo. Pero kaya ko naman. Sanay na ako. Gusto ko rin naman na maging busy para madaling lumipas ang mga araw. Kapag busy ako, nalilimutan ko mga isipin sa buhay.’’

“Ano pa bang iniisip mo e okey ka naman diyan?’’

“Siyempre iniisip ko pa rin kahit paano yung mga kapatid ko. Kahit hindi ko isipin, kusang nagpa-flash sa isip ko.’’

“Ah.’’

“Yun lang naman.’’

“Pero sa trabaho wala kang problema.’’

“A wala. Okey ang trabaho ko. Malaki rin ang suweldo ko. Tapos may OT akong isang oras araw-araw.’’

“Mabuti naman. Ma­rami kang maiipon.’’

“Oo nga. Teka, ikaw, okey ka naman sa work mo? Ang tagal mo na diyan.’’

“Okey naman pero may oras na nababagot ako—burnout.’’

“Ayaw mong mag-abroad? Mag-Saudi kaya?’’

‘‘Gusto rin. Kaya lang ano naman ang aaplayan ko diyan?’’

(Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with