^

True Confessions

Kaibigan (152)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PANATAG na ang loob ni Dex makaraang magkita at magkausap sila ni Lara. Nasa mabuti pala itong kalagayan taliwas sa mga naiisip niya. Sinuwerte pa dahil maganda ang napasukang trabaho sa isang ospital sa Saudi Arabia – nursing aide daw siya. Maayos daw ang trabaho niya at suweldo.

Nakahinga nang maluwag si Dex. Pagkaraan ng ilang taon ay nasagot din ang mga dalangin niya na sana ay nasa mabuting kalagayan si Lara. Kung may nangyari kay Lara ay masasaktan din siya dahil asawa ito ng matalik niyang kaibigan na si King. Naisip ni Dex na siguro kung nasaan man si King ngayon ay tiyak na natutuwa dahil sa suwerteng nangyari kay Lara.

Naalala ni Dex ang papel na ibinigay ni Lara sa kanya bago umalis. Kinuha niya sa kanyang pitaka at ini-add ang phone number nito sa kanyang mga contact. Mahim­bing na nakatulog si Dex ng gabing iyon. Pinakamasarap na tulog niya. Nabawasan ang mga alalahanin niya dahil sa pagkikita nila ni Lara.

MAKALIPAS ang isang buwan, biglang naisip tawagan ni Dex si Lara. Pero nag-aatubili siya at baka marami itong ginagawa ay maabala niya. Ang alam niya ay ­masyadong maraming trabaho ang nursing aide. Baka may pasyente itong inaalagaan ay maging dahilan pa para ito mapagalitan dahil sa pagtawag niya. Hindi niya ginawa ang balak. Saka na lang.

Sumunod na gabi, hindi na siya nakapagpigil at dinayal ang number ni Lara.

Bahala na.

Sumagot si Lara.

“Hello?’’

“Hello Lara, si Dex ito. Puwede ka bang makausap.’’

“Dex! Naku, may trabaho pa ako. Mamaya na tayo mag-usap. Narito pa ako sa ospital. Alas kuwatro ng hapon dito sa Riyadh. Mamayang alas siyete mo ako tawagan. Okey Dex. Pasensiya na.’’

“Oo, Lara. Sorry akala ko off ka na.’’

“Sige mamaya na lang.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Hiyang-hiya si Dex. Hindi naman niya alam na nasa trabaho pa si Lara. Sana ay hindi na lang niya tinawagan. Kakahiya! Baka mapagalitan pa ng boss niya si Lara.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with