^

True Confessions

Kaibagan (151)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Bago umalis si Lara, may ibinigay na kapi­rasong papel kay Dex.

“Number ng phone ko at ng kompanya sa Riyadh. Mabuti nang alam mo. Ikaw lang ang naka­aalam niyan dahil wala na naman akong kapatid—itinakwil na. Incase may mangyari sa akin sa Riyadh, alam kong may isang tao na nakaalam ng kinaroroonan ko.’’

Kinuha ni Dex ang papel.

“Kailan na uli ang balik­ mo — I mean ang bakasyon mo?’’

“Next year na. Ganito ring buwan.’’

“Sige ingat ka lang. May FB account ka ba?’’

“Meron.’’

“Dun na lang tayo mag-communicate. Sa messenger tayo magtawagan.’’

“Sige. Siyanga pala, ikaw na muna ang bahalang mag­dala ng bulaklak at kan­dila kay King. Naipangako ko na linggu-linggo dadalawin at dadalhan ko ng bulaklak at kandila.’’

“Kahit hindi mo sabihin, talagang dadalawin ko siya. Pagkatapos kong dalawin si Tess, sa puntod naman ako ni King.’’

“Sa pag-uwi ko na lang ako dadalaw sa puntod ni Tess. Wala na talaga akong time ngayon.’’

“Oo, ayos lang yun.’’

“Siyanga rin pala, huwag mo munang ibabasura ang mga gamit namin ni King sa kuwarto ha. Marami pa akong mahalagang doku­mento at mga papers dun,.’’

Mabuti at sinabi mo. Balak ko sana, ibigay na sa magbabasura. Buti at dumating ka. Iingatan ko ang mga yun.’’

“Salamat uli. Sige Dex, aalis na ako.’’

“Bye ingat.’’

Inihatid ni Dex ng tingin si Lara habang naglalakad palayo. Nang nakalayo na at nawala sa paningin niya, pumasok na siya sa loob ng bahay.

Naupo siya sa sopa at inalala ang pag-uusap nila ni Lara.

Bakit biglang naging masaya ang kalooban niya makaraang makita at maka­usap si Lara? (Itutuloy)

DEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with