^

True Confessions

Kaibigan (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hinabol pa nga kita nun dahil hindi ko ma-recognized kung lalaki o babae ang nangga­ling sa puntod ni King. Ikaw pala yun. Pero hindi kita naabutan. Napa­kabilis mong nawala,’’ sabi ni Dex kay Lara.

“Nagtago lang ako nun sa likod ng puno. Hindi talaga ako handang maki­pagharap sa iyo. Ewan ko ba. Nga­yon na lang talaga ako nagkalakas ng loob na humarap sa iyo dahil paalis na ako next week patu­ngong Riyadh.’’

“Ikaw talaga ang dami mong gimik sa buhay. Kung buhay si King, baka napagsampal ka na nun, ha-ha-ha!’’

Nakitawa si Lara.

“Ewan ko ba kung bakit nahihiya ako sa’yo. Siguro’y dahil sa marami akong utang na loob sa’yo at hindi pa nakakapagbayad.’’

“Sus, ano kayang utang na loob yun?’’

“E di ba ikaw ang kumupkop sa amin ni King nun. Itinuring mo kaming parang kapatid na. Nung wala pang trabaho si King, ikaw lahat ang gumagastos. At pagkatapos nga ay hindi na ako nagpakita sa’yo—parang wala akong utang na loob.’’

“Wala sa isip ko yun. Ako ang labis na nag-alala dahil umalis ka na walang alam na patutunguhan. Kaya nga nagtungo na ako sa Nagcarlan. Pero wala na pala kayong tirahan dun. Tapos, pinuntahan ko rin ang pinsan mong si Mina sa Makati at nagbakasakali ako. Wala rin siyang alam.’’

“Si Mina? Paano mo naman nakilala si Mina?”

“Naghalungkat ako sa maleta mo at nakita ko ang photo ni Mina na may address sa likod.’’

“Ah oo. Pinsan ko siya sa father side. Pero hindi kami closed. Kasi natatakot sila kay Mama. Sobrang isrikto kasi ni Mama.’’

“Sabi nga.’’

Natahimik sila.

Maya-maya, seryosong nagtanong si Dex.

“Wala ka pang asawa, Lara?’’

“Wala. Nag-iisa si King sa puso ko.’’

(Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with