^

True Confessions

Kaibigan (146)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PAANO mo nalaman na si Tess ang nagging asawa ko, Lara?’’ tanong ni Dex na punumpuno ng pagtataka. Pa­ano nalaman ni Lara gayung hindi nga niya ito nakita sa kabila ng kanyang paghahanap.

“Mahabang kuwento Dex. Pero nalaman ko na kayo ang naging mag-asawa.’’

“Matagal kang nawala. Kung saan-saan kita hinanap, Lara. Nagtungo ako sa Nagcarlan—sa bayan ninyo para malaman ang kalagayan mo pero wala ka na roon. Ni hindi nga raw nakita ang anino mo roon.’’

Nakatingin na walang kakurap-kurap si Lara kay Dex. Parang hindi makapaiwala na nagtu­ngo ito sa kanilang bayan para siya hanapin.

“Nagtungo ka sa amin, Dex?’’

“Oo.”

“Bakit?’’

Sinabi ni Dex na sinunod lamang niya ang nakasaad sa sulat na ginawa ni King.

“May sulat na ginawa si King—nakita ko sa dating kuwarto n’yo—hiling niya sa akin na alamin ko ang kalagayan mo. Iyon ang dahilan kaya ako nagtungo sa Nagcarlan. Pero sabi ng nakausap ko, wala na kayong ari-arian dun. Binenta na raw ang bahay at lupa n’yo.’’

“Oo noon pa ibinenta. Bago pa mamatay si King.’’

“Saan ka ba nagpunta nang umalis ka rito at hindi kita ma­tagpuan?’’

“Mahabang kuwento nga. Baka hindi ka maniwala sa mga ikukuwento ko, Dex.’’

“Bakit naman?’’

“Basta. Marami akong naging karanasan.’’

“Ikuwento mo nga at nasasabik ako.’’  

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with