^

True Confessions

Kaibigan (145)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“IKAW ba ‘yan, Lara?’’ tanong ni Dex para ma­kasiguro. Baka nagkakamali siya sa nakitang babae na sa kabila ng gate.

“Ako nga Dex.’’

“Si Lara ka nga. Kabisado ko ang boses mo!’

“Puwedeng pumasok?’’

“Oo naman.’’

“Paano ako makapasok e nakakandado.’’

“Ah oo nga pala,’’ sabi ni Dex at mabilis na tinungo ang gate at inalis ang kandado.

“Halika Lara.’’

Pumasok si Lara. Naka-palda at blusa ito. Sa tingin niya ay lalong gumanda. Kung hindi niya alam na asawa ito ni King, mapagkakamalan niyang dalaga. Slim na slim ang katawan.

“Halika sa loob. Mabuti pala at naglinis ako. Kaya siguro ako atat maglinis e dahil may darating akong bisita.’’

Napahagikgik si Lara.

“Naabala pala kita sa pag­lilinis.’’

“Patapos na. Ang dati n’yong kuwarto ni King ang nililinis ko. Kapag Sabado lang ako may time maglinis.’’

“Kawawa ka naman.’’

“Kaya ko naman. Di ba dati naman na ako ang naglilinis ng bahay.’’

Hindi nagsalita si Lara.

“Halika sa loob, Lara.’’

Pumasok sila.

“Ang linis naman pala,’’ sabi ni Lara.

“Bagong linis nga.’’

Nagmasid-masid sa salas si Lara. Hanggang makita ang naka-frame na retrato ni Tess.

“Si Tess siya di ba?’’ tanong ni Lara.

“Oo. Siya ang napangasawa ko. Kilala mo nga pala siya ano?’’

“Oo. Nasa HR department siya di ba. Sa kanya ako nag-aplay ng trabaho nun.’’

“Patay na siya Lara. Mahigit isang taon na.’’

“Alam ko Dex.’’

“Alam mo?’’

Tumango si Lara. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with