^

True Confessions

Kaibigan (131)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI naman siya lasing. Dalawang beer lang ang nainom niya. Pero bakit pakiramdam ni Dex ay mayroon na namang mga mata na nagmamasid sa kanya nang buksan ang gate ng kanyang bahay. Ano itong nangyayari sa kanya? Maraming beses nang nangyayari sa kanya ang ganito.

Noong nabubuhay pa si Tess, madalas niyang maranasan na tila may nakatingin sa kanila. Kapag narito sila sa bakuran ng kanyang bahay, pakiramdam niya ay may mga matang nakasubaybay. Kapag tumitingin naman siya sa paligid ay wala siyang nakikita. Sinabi niya iyon kay Tess noon at nagkibit balikat lang na tila hindi naniniwala.

Ngayon ay madalas na naman nararanasan ang pagpaparamdam ng kung sinong sumusubaybay sa kanya. Malakas ang kutob niya na mayroong nagmamasid sa mga galaw niya.

Gaya ngayon na habang binubuksan niya ang gate ay tila may nakatingin sa kanya at nag-oobserba. Hindi­ naman siya natatakot. Ni wala siyang nararamdamang kaba.

Nang makapasok siya sa loob ng bahay, nakiramdam siya at baka naman may ibang tao na nakapasok. Baka akyat bahay at nag­nanakaw?

Wala naman siyang naramdamang ibang tao. Ininspeksiyon niya ang pinto sa likod. Sarado naman. Pati ang banyo, siniyasat niya. Wala naman siyang napansin na nakapasok na ibang tao.

Nagbihis siya at ipinasyang sa sopa na lamang matulog. Kapag sa kama siya natutulog, malakas ang dalaw ng pangungulila sa kanya. Naaalala niya si Tess at ang paglalambingan nila.

Nang nakahiga na sa sopa, naisip niya na baka si Tess ang nagpaparamdam sa kanya. Baka ayaw siyang iwan. Baka kaya nagpapa­ramdam? Posible kaya ‘yun?

Baka sa sobrang pagmamahal sa kanya ni Tess ay ayaw pang umalis ang kaluluwa?

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with