^

True Confessions

Kaibigan (105)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘ANONG tinitingnan mo sa labas, Dex?’’ tanong ni Tess nang makita si Dex na nakatingin sa labas ng gate.

‘‘Parang may taong lihim na nagmamasid sa atin.’’

‘‘Anong nagmamasid?’’

‘‘Nakatingin sa direk­siyon natin. Parang ino­obserbahan tayo.’’

‘‘Saan mo nakita?’’

‘‘Walang eksaktong lugar kung saan basta ang pagkatingin ko ay inoobserbahan tayo.’’

‘‘Lalaki o babae?’’

‘‘Hindi ko matiyak.’’

‘‘Baka bakla?’’

‘‘Puro ka biro.’’

‘‘E kasi naman hindi mo tiyak kung ano ang nakita mo.’’

‘‘Basta nakatingin siya sa atin. Hindi ko maila­ra­wan ang kanyang mukha.’’

‘‘Baka naman magnanakaw o akyat bahay?’’

Nag-isip si Dex sa si­nabi ni Tess. May ilang kaso na ng pagnanakaw sa kanilang lugar. Pero hindi siya kumbinsido.

‘‘Hindi naman siguro, Tess.’’

‘‘Baka naman si Lara?’’

Nag-isip si Dex. At saka sumagot. ‘‘Kung si Lara bakit kailangan pa niyang magmatyag?’’

‘‘Siyempre nahihiya sa iyo. At saka siguro nakita ako na nakayakap sa iyo. Nag-aalangang kumatok.’’

Nag-isip uli si Dex. Posible ang mga sinabi ni Tess. Baka nga nahihiya si Lara na magtungo rito dahil nakitang may kasama na siyang babae. E ano naman ang ikahihiya niya kung may ka­sama siyang babae.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang yayain na siya ni Tess sa loob.

‘‘Halika na sa loob,’’ sabi ni Tess at inakbayan siya. Nasamyo niya ang mabangong katawan ni Tess.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with