^

True Confessions

Kaibigan (97)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Dex, huwag mo sanang isipin na kaya lamang ako nakisama sa’yo ay dahil gusto kong takasan ang nangyayari sa aming bahay. Nagkataon lang na nangyari ‘yun kasabay nang pagkakaroon natin ng relasyon. Talagang nun pa, mahal na mahal na kita,’’ sabi ni Tess habang nakayakap kay Dex. Nasa sopa sila.

‘‘Alam ko naman na nun pa na malaki ang tama mo sa akin kaya no need na magpaliwanag ka.’’

‘‘Kasi baka isipin mo, na sa kagustuhan kong makaalis sa bahay ay sumama ako sa’yo.’’

‘‘Wala akong iisipin na ganun. Kung gusto mo ako e di gusto rin kita. Magsama tayo habambuhay. ‘Yun nga lang ayaw mong magpakasal tayo.’’

‘‘Kasi nga ayaw kong matali ka sa akin… malay mo dumating ang araw e magsawa ka sa akin e di malaya ka. Wala kang maririnig sa akin. Basta ang alam ko, mahal kita.’’

‘‘Sige. Ayaw mo talagang makasal tayo. Pero kung magbabago ang isip mo, sabihin mo lang sa akin—malay mo isang araw e na-realized mong gusto mong pagkasal…’’

‘‘Oo Dex. Ipaaalam ko sa’yo.’’

‘‘Siyanga pala, baka naman hinahanap ka ng mama mo. Siyempre ina mo ‘yun. Mag-aalala ‘yun.’’

‘‘Nag-text ako sa kanya. Sinabi ko lahat. Sabi ko nag-asawa na ako.’’

ISANG araw, napansin ni Tess ang saradong kuwarto—kuwarto dati nina King at Lara.

‘‘Ba’t nakasarado ang kuwartong ito, Dex? Lilinisin ko.’’

‘‘Malinis pa ‘yan. Saka na lang.’’ (Itutuloy)

DEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with