^

True Confessions

Kaibigan (96)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IKINUWENTO ni Tess kay Dex ang problema sa mama niya.

‘‘Isang taon pa lang namamatay ang papa ko — kanser. Nang mamatay si Papa, walang tigil sa pag-iyak si Mama. Hindi makausap dahil sa sobrang kalungkutan sa pagkawala ni Papa. Ayaw nang umalis sa tabi ng kabaong ni Papa at laging sinisilip. Mahal na mahal ni Mama si Papa. Pati ako, humanga sa pag-iibigan nila. Sana ganun lahat ang nagmamahalan. Hanggang sa wakas, walang magbabago.

‘‘Pero nagkamali pala ako. Hindi pala dapat pag­basehan ang pag-iyak nang malakas, pagdadalamhati at kung anu-ano pang pag­papakita na nasaktan sa pagkawala ng mahal na asawa. Pakitang tao lang pala! Paniwalang-paniwala ako na mahal na mahal ni Mama si Papa at hindi papalitan o mag-aasawang muli. Akala ko nag-iisa si Papa sa puso niya. Hindi pala!

‘‘Nagkagusto sa lalaking halos anak niya! At ang masaklap sa bahay pa namin nakatira ang lalaki! Hindi ko talaga matanggap, Dex!’’ sabi ni Tess sabay pakawala nang malalim na buntunghininga.

Walang kurap si Dex sa pagkakatingin kay Tess. Mabigat nga ang problema nito. Kaya pala matigas sa pagsasabing hindi na uuwi sa kanila.

‘‘Anong age na ng mama mo?’’

‘‘Fifty five!’’

‘‘Bata pa pala ang mama mo. Posibleng mag-asawa pa.’’

‘‘Wala namang problema kung mag-asawa—kaya lang bakit sa halos anak niya. At sa pagkaalam ko, tambay ang lalaki. At masakit nga, sa bahay nakatira. Hindi ko kaya Dex na ang kasama sa bahay ay ang ipinalit pa kay Papa. Hindi ko talaga masikmura.’’

‘‘Nauunawaan kita, Tess. Ako man ang nasa kala­gayan mo, ganyan din ang gagawin ko—lalayo rin ako!’’

‘‘Salamat, Dex.’’

‘‘Kaya nga dito ka na lang. Tutal naman at nasa tamang age ka na. Niyaya nga kitang pakasal para legal ang pagsasama natin e ayaw mo naman.’’

‘‘Pag-iisipan ko Dex,’’ sabi ni Tess at yumakap nang mahigpit kay Dex. Ikinulong sa mga braso ang lalaking minamahal. Ngayon ay na­darama niyang mahal nga rin siya ni Dex. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with