^

True Confessions

Kaibigan (93)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Seryoso ka, Dex?’’ tanong ni Tess makaraang kumalas sa pagkakayakap kay Dex.

Tumango si Dex.

‘‘Parang ayaw kong ma­niwala.’’

‘‘Bakit naman?’’

‘‘Basta. Hindi ako ma­kumbinsi.’’

‘‘Sige kung ayaw mong maniwala. Basta ako sinabi ko ang laman ng puso ko.’’

Yumakap uli si Tess kay Dex. Isinubsob ang mukha sa dibdib ni Dex. Matagal bago inalis. Tumi­ngin nang matagal kay Dex.

Nang magsalita ay may garalgal sa boses.

‘‘Hindi ko inisip na gan­yan ang plano mo sa akin, Dex. Wala sa hinagap ko na seseryosohin mo ako. Kasi ako nga ang lantarang nagpakita ng motibo sa iyo. Ako na ang lumapit at gumawa ng paraan. Kinapalan ko na ang mukha. Ganito talaga akong magmahal. Basta ginagawa ko ang alam ko’y tama at sina­sabi ng puso ko. Basta mahal ko ang isang tao, wala na akong naiisip. Ganun ako, Dex.’’

‘‘Ba’t ayaw mong pakasal tayo? Ako na ang nagsasabi. Paano kung mabuntis kita ?’’

Hindi makasagot si Tess. Nag-isip nang malalim.

Maya-maya ay bumangon­. Naupo sa kama.

‘‘Nag-aalala kasi ako na baka dumating ang araw na magsawa ka. Siyempre ako lang naman ang may gusto sa iyo. Kung hindi ka nakatali sa akin e di malaya ka—at wala akong sama ng loob kung mangyari ‘yun. Puwede mo akong iwan kahit anong oras. Kung maana­kan mo ako e di mabuti at may makakasama ako sa pagtanda. May mag-aalaga sa akin.’’

Napabuntung-hininga si Dex.

Maya-maya, bumangon­ na rin ito.

‘‘Magluluto muna ako ng breakfast natin.’’

‘‘Ako na Dex. Ano bang iluluto?’’

‘‘May corned beef at tocino sa ref. May kanin na puwedeng isa­ngag.’’

‘‘Ako na ang magluluto. Sanay ako diyan.’’

‘‘Nakakahiya naman. Bisita kita.’’

‘‘Owww nahiya ka pa.’’

Nagluto si Tess. Nakaalalay si Dex.

‘‘Gusto ko marami bawang ang sinangag, Tess.’’

‘‘Sige.’’

Maya-maya lang luto na. Naghain na si Tess. Sinilbihan si Dex.

(Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with