^

True Confessions

Kaibigan (92)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Iniisip ni Dex kung ano ang mga susunod sa kanila ni Tess ngayong may nangyari na sa kanila. Sa pakiwari niya, hindi ‘‘hit and run’’ lang ito. Bagama’t si Tess ang unang nagpakita ng motibo, hindi ito ang babaing patakbuhin. Nadarama niya na talagang gusto siya ni Tess. Kaya ginawa na lahat nito ang paraan para mapalapit sa kanya — kahit pa magmukhang ‘‘cheap’’. May ga­­nitong babae na kapag gusto ang lalaki, gagawin ang lahat.

Pero iba ang lumabas sa bibig ni Tess nang mag­salita.

‘‘Hindi kita pipiliting ma­gustuhan ako, Dex. Kahit hindi mo ako panagutan, okey lang. Basta ang gusto ko lang malaman mo, mahal kita—mahal na mahal.’’

Yumakap uli ito sa kanya. Isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Nadama niya ang init ng hininga ni Tess.

Ayaw niyang dayain ang sarili. Talaga namang wala siyang gusto kay Tess. Wala siyang nadarama para rito. Pero maaari niya itong pag-aralang mahalin. Lahat naman ay maaaring pag-aralan. At isa pa, hindi siya ang tipo na pagkatapos “matikman” ang babae ay maglalaho nang parang bula. Naniniwala siya na hindi dapat ganun ang gawin, kahit pa nga ang babae ang unang nagpakita ng motibo.

Pero may plano pala si Tess.

“Okey sa akin kung mag-live-in lang tayo, Dex. Kung kasal tayo at ma-rea­lize mong hindi mo ako mahal e di malaya ka. Wala kang pananagutan sa akin. Basta ako, mahal kita.’’

‘‘Kung sabihin ko na gusto kitang pakasalan?’’ sabi ni Dex.

Hindi makapagsalita si Tess.

Totoo ba ang narinig niya?

(Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with