^

True Confessions

Kaibigan (81)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Gabi. Hindi makatulog si Dex. Pabali-baliktad siya sa kama. Nang tingnan niya ang oras sa kanyang cell phone: 1:00 a.m.

Bumangon siya at dyuminggel. Pangalawang dyinggel na niya at hindi pa pa siya inaantok.

Nahiga siya. Talagang ayaw siyang dalawin ng antok.

Sino kaya ang umiisip sa kanya? Ganun daw iyon. Kapag hindi makatulog, tiyak na may taong umiisip.

Sino naman kaya ang mag-iisip sa kanya? Wala naman siyang pinagkakauta­ngan? Wala siyang atraso kahit kanino para siya isipin na maging dahilan para hindi siya antukin.

Inisip niyang mabuti.

Hanggang maisip niya si Tess!

Si Tess lang ang maa­aring mag-isip sa kanya nang todo at wala nang iba.

Kahapon, naghalikan sila ni Tess sa corridor—iglap na halikan. Pero masarap ang ha­likan na ‘yun kahit iglap lang.

Nag-eskrimahan sila ng dila ni Tess. Lumaban na siya para patunayan kay Tess na hindi siya mahinang lalaki. Inumpisahan ni Tess kaya pinagbigyan niya.

Ang lakas ng loob ni Tess na halikan siya kahit nasa corridor. Nagkasalubong sila ni Tess at hindi na niya naiwasan. Bigla itong dumikit sa kanya at hinalikan siya sa labi. Pasupsop pa ang pagkakahalik sa kanya.

Kaya natangay siya at pi­nagbigyan ang hilig ni Tess. Noon pa kasi kumikiringking sa kanya si Tess. Kulang na lamang sabihin nito sa kanya na magmotel sila.

Pero kahapon, naantig siya sa ginawa nila ni Tess. Iglap na may dumaloy na kuryente sa kanyang kaibuturan. Nanulay ang kuryente at nagmuntik-muntikanang pumutok ang fuse.

Superhot si Tess at na­ramdaman din niya ang lusog ng boobsie nito. Sa paghahalikan nila ay nadikit ang dibdib ni Tess. Parang may ga-bolang marshmallow na nadikit sa kanya.

Sobrang “init” ng paki­ramdam ni Tess at narinig pa niya ang hingasing habang naglalabanan ang kanilang mga dila.

Naisip ni Dex: Patulan na kaya niya si Tess? Pagbig­yan na kaya niya ang gusto nito? Siguro kapag naka-one night stand niya ito ay titigil na sa pagdikit-dikit sa kanya­. Siyempre, nagkatikiman na. Parang pagkain lang na kapag hindi pa natitikman ay nakapaglalaway pero kapag natikman na, nakakaumay at nakakasawa na.

Makipagtikiman kaya siya kay Tess kahit isang beses lang? (Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with