^

True Confessions

Kaibigan (45)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Mabuti nga na may trabaho si Lara para nalilibang. Mula nang magkatrabaho siya, napansin ko na masaya siya. Iba talaga kapag busy ang tao,’’ sabi ni Dex kay King.

“Oo nga Dex. Mula nang magtrabaho si Lara ibang-iba ang aura. Pero naiisip ko rin, kung okey sana ang kinikita ko, kahit hindi na magtrabaho si Lara.’’

‘‘Mas magandang may trabaho siya. Malilibang na ay madadagdagan pa ang kita ninyo. Hayaan mo na siya. Teka kailan ka ba papasok?’’

“Next week papasok na ako. Okey na ang katawan ko. Magaling na magaling na.’’

‘‘Huwag mong pipilitin kung hindi mo kaya. Puwede namang nakabakasyon ka.’’

“Oo pero without pay na ako, Dex.’’

“E ano naman. Kaysa pumasok ka na masama pa ang lagay mo.’’

“Okey na ako next week. Yakang-yaka na.’’

“Baka kinakaya mo lang e mahirap yan. Pahinga ka lang muna.’’

“Okey na ako Dex.’’

‘‘Sige, pero alalay lang.’’

Makaraan ang isang buwan, nagulat si Dex isang umaga na nagpaalam si Lara na hindi papasok sa opis.

‘‘Hindi muna ako papasok Dex. Maysakit si King. Mataas ang lagnat.’’

“Dalhin natin sa ospital?’’

‘‘Kaya pa raw niya.’’

“Sige. Sasabihin ko sa HR, di ka papasok ngayon.’’

“Oo. Salamat Dex.’’

Umalis si Dex. Pero nababahala siya sa lagay ni King. Bakit biglang nagkasakit. Baka napagod sa pagbalik sa trabaho. Kung bakit hindi muna nagpahinga. Sana hindi muna pumasok si King. (Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with