^

True Confessions

Kaibigan (44)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa lubusang magaling ang sugat ni King kaya hindi pa siya nakakapasok sa trabaho. Dahil kaya na naman niya ang magluto, siya ang pumapel na cook. Pagdating nina Dex at Lara mula sa trabaho, nakaluto na ng hapunan si King.

Tuwang-tuwa si Dex at Lara dahil lumabas ang talino ni King sa pagluluto.

“Ang sarap ng luto mo rito sa bistik Tagalog, King! Suwabe, malinamnam. Tiyak dalawang cups ng kanin ang magigiba ko.’’

“Hindi ba mistake ang nagawa kong ulam?’’ tanong ni King na nagtatawa.

“Hindi! Ang sarap nga!’’

“Salamat. E ikaw naman mahal kong asawa, ano ang masasabi mo sa bistik ko. Masarap ba o hindi?’’

‘‘Masarap. Tama si Dex.’’

“Wow, nakatsamba ako. Puwede palang tsambahan ang pagluluto.’’

“Bukas tsumamba ka uli King, ha-ha-ha!’’

Minsan, nagkuwentuhan sa salas sina Dex at King. Tungkol sa trabaho ni Lara ang topic.

“Kumusta naman ang trabaho ni Lara, Dex?’’

‘‘Okey ang trabaho niya, King. Mababait din ang officemates niya.’’

“Mabuti na lang at magkasama kayo sa trabaho, maaalalayan mo siya.’’

“Oo. Lagi kong inaalam ang lagay niya. Hindi ko siya pababayaan.”

“Salamat Dex.’’

“Kaya ipanatag mo ang loob. Kapag ako ang ka­sama ni Lara, nasa mabuti siyang kamay.’’

“Alam ko. Kilalang-kilala kita, Dex.’’ (Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with